Nilinaw ng World Health Organization na 40% ng coronavirus infection ay nanggaling mula sa mga taong carrier ng virus ngunit hindi nagpapakita ng kahit anong sintomas.
Isiniwalat ang detalyeng ito nina Michael Ryan, pinuno ng World Health Organization Health Emergencies Programme, at Maria Van Kerkhove, technical chief ng coronavirus responses ng ahensya.
Taliwas ito sa unang sinabi ni Kerkhove na hindi dapat ikabahala ang pagkalat ng virus sa mga asymptomatic patients dahil batay sa datos na kanilang hawak ay malinaw na makikitang bihira lamang makahawa ang mga ganitong pasyente.
Naging aminado naman ito sa kaniyang pagkakamali. Aniya, may mga asymptomatic patients pa rin ang kayang mag-transmit ng virus sa isang indibidwal at pareho lamang itong delikado sa mga pasyenteng nagpapakita ng sintomas.
Inabisuhan din nito ang mga taong nasa lugar na may mataas na infection rate na palaging magsuot ng face mask at panatilihin ang social distancing.
“Comprehensive studies on transmission from asymptomatic individuals are difficult to conduct, but the available evidence from contact tracing reported by member states suggests that asymptomatically-infected individuals are much less likely to transmit the virus than those who develop symptoms,” wika ni Kerkhove.
Sinabi rin ni Ryan na karamihan sa mga nag-positibong kaso sa Japan ay mga indibidwal na nagtungo sa gym at karaoke clubs.