-- Advertisements --
Malaking tulong umano para sa hinahangad na herd immunity ang nilagdaan ng Pilipinas at ng US drugmaker Pfizer-BioNTech para sa 40 million vaccine supply agreement.
Inaasahang darating ang bulto ng mga bakuna simula sa buwan ng Agosto.
Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., kasama niyang lumagda sa kasunduan si Health Sec. Francisco Duque III.
Nabatid na ito na ang pinakamalaking vaccine procurement deal, mula nang magkaroon ng pandemya.
Pagbabahagi ng kalihim, bumababa na ang demand ng bakuna sa malalaking bansa dahil nakakuha na sila ng sapat na bakuna para sa kanilang populasyon.
Nanggaling ang pondong pambili ng bakuna sa multilateral arrangement sa Asian Development Bank (ADB).