DAVAO CITY – Apatnapung mga kompanya ang kinilala ngayon bilang high-yield investment schemes (HYIS) ng Anti-Scam Unit (ASU) sa lungsod ng Dabaw.
Ang HYIS ang isang panloloko na klase ng investment scheme kung saan nag-aalok ng malalaking tubo sa investment para makumbinsi ang mga biktima.
Sa isang sulat kay Mayor Sara Duterte-Carpio na may Petsang Pebrero 10, inihayag ni ASU head Simplicio Sagarino Jr na aabot ng 2,496 ang kabuuang bilang ng reported cases ng panlololoko ang kanilang natanggap mula noong 2016 kung saan ibinigay na ang naturang kaso sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) XI, sa Investigation Division and Management Branch (IDMB), at sa National Bureau of Investigation (NBI) XI.
Dagdag pa ni Sagarino na noong 2016 umanot ng 1,761 ang reported cases, 24 sa 2017, 33 sa 2018, 576 sa 2019 at 62 sa Enero 2020.