-- Advertisements --

Nadiskubre ng mga otoridad sa Mexico ang 40 bungo, dose-dosenang buto at isang fetus sa loob ng isang garapom na nakalagay sa altar na hinihinalang pagmamay-ari ng mga drug traffickers.

Inaresto ng mga pulis ang 31 katao sa isinagawa nilang raid matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa nagaganap na drug cartel sa baryo ng Tepito, Mexico City.

Sa ibinahaging mga litrato ng Mexico City attorney general’s office, ipinakita rito ang mga bungo na nakakalat sa palibot ng altar at mayroon ding krus sa likod nito na nilagyan ng face mask na gawa sa kahoy na nilagyan ng sungay.

Ayon sa tagapagsalita mula sa opisina ng attorney general, kasalukuyan nang iniimbestigahan kung saan nagmula ang halos 42 bungo na kanilang natagpuan.

Ang baryo ng Tepito ay matatagpuan sa Hilagang bahagi ng Mexico. Kilala rin ang Tepito dahil sentro umano ito ng mga iligal na gawain sa bansa.