Kinumpirma ni Western Mindanao Command (WesMinCom) spokesperson Maj. Andrew Linao na apat na sundalo ang nasugatan sa panibagong engkuwentro laban sa mga Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan.
Ayon naman kay Joint Task Force Basilan Commander, B/Gen. Domingo Gobway, nagsasagawa ng combat operations ang mga sundalo nang makasagupa ng mga ito ang nasa mahigit siyam na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf sa may bahagi ng Barangay Sucaten, Sumisip sa probinsiya ng Basilan.
Naganap ang sagupaan bandang alas-7:31 ng umaga kahapon, Sabado, April 2.
Sinabi ni Gobway, kaagad na nakatakas ang mga bandido pero nakasagupa sila ng mga rumespondeng government forces na nagresulta sa pangalawang sagupaan.
Narekober naman ng mga sundalo ang tatlong M-16A1 rifles, 20 long magazines, limang short magazines, tatlong bandoleers, at 619 rounds of M16 ammunition na pag-aari ng ASG.
Pinuri naman ni WesMinCom Commander Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., Joint Task Force Basilan sa kanilang “selfless service and untiring dedication to their sworn duty.”
“The remaining members of the terror group who refuse to return to the fold of the law are doing desperate moves to gain popular support after they’ve lost it due to the neutralization of their top leader Radzmil Jannatul, a.k.a. Khubayb,” pahayag ni Lt. Gen. Rosario.
Kun maaalala, napatay ng mga sundalo si Jannatul nitong March 26 sa isang labanan.
Siniguro naman ni Rosario na lalo pa nila paiigtingin ang kanilang combat and non-combat operations para tapusin na ang terorismo sa Mindanao.