Sugatan ang apat na sundalo matapos makaenkwentro ng pinagsanib na pwersa ng militar at PNP ang isang grupo ng NPA sa Sito Salok, Brgy Magsaysay sa Infanta Quezon.

Ayon kay Brigadier General Arnulfo Marcelo Burgos Jr, Commander ng 202nd Infantry Brigade na nagsasagaqawa ng law enforcement operations ang mga otoridad ng makasagupa ang armadong NPA members.

Pinaniniwalaang may mga nasugatan sa mga kalaban dahil sa bakas ng dugo sa encounter site, subalit nakatakas ang mga ito.

Nangyari ang engkwentro 3 kilometro ang layo sa Northern Builders, contractor ng Kaliwa Dam project, na sinunog ng mga NPA ang kanilang heavy equipment noong Pebrero 7.

Ikinasa ang opensiba ng militar bunsod ng panununog ng mga heavy equipment ng ginagawang dam.