Sugatan ang apat na Chinese nationals dahil sa pagsabog ng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Barangay San Antonio, Makati city nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nagtamo ng sugat na pawang empleyado ng kainan na sina Yue Qzang Cao, 45 at Liang Zhang, 37.

Ang dalawang sugatan naman ay nadamay lamang habang dumadaan sa harap ng establishimento ay kinilalang sina Ting Tang, 26 at Long Liun Yun, 27.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP dahil umano sa singaw ng tangke kaya sumabog ito.

Sarado na ang nasabing kainan kaya walang nadamay na iba pang biktima.