ROXAS CITY – Sugatan ang apat na katao matapos bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa isang pribadong sasakyan sa Barangay Sibaguan, Roxas City.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Roberto Honrado, 60, driver ng tricycle, at mga pasahero nitong sina Evir Cerilo, 53; Raffy Cerilo, 34; at Emily Arangonte, 33, pawang residente ng Barangay Dapdapan, Sapian, Capiz.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas sa driver ng pribadong sasakyan na si Lody Angari, 63,ulang ng Barangay Amaga, Sigma, Capiz, habang tinatahak ang naturang lugar ay ikinagulat na lamang nito ang pagsalpok ng naturang tricycle na sumusunod sa kaniyang sasakyan.

Ngunit bwelta naman ng mga sakay ng tricycle, habang tinatahak umano ang naturang lugar ay bigla na lamang nagpreno ang sasakyang minamaneho ni Angari kung kaya’t kanila itong nabangga.

Dahil sa pagkakabangga ng tricycle sa sasakyan ay nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay ng tricycle na kaagad namang nilapatan ng paunang lunas.