LAOAG CITY – Apat lamang mula sa 20 indibiduwal ang nahuli ng mga otoridad matapos maaktuhang nagsasagawa ng sabong sa Brgy. 57-Pila ditto sa lungsod ng Laoag.
Ayon kay PMaj. Romnick Subia, hepe ng PNP-CIDG, maliban sa apat na nahuli na nanatili ngayon sa kustodiya nila ay tallo pa ang kasama na masasampahan ng kaso.
Sinabi nito na narekober nila sa mga ito ang dalawang patay na manok at dalawang pang buhay na manok na pansabong, at ang 1,250 piso na pusta.
Nabatid na ang mga nahuli ay mula sa Brgy. Barit, Brgy. Navotas at sa Brgy. Pila dito rin sa lungsod na matagal na rin umanong sinusubaybayan ng mga ototidad.
Haharap sa kasong paglabag sa PD 449 o ang Illegal Cockpit Law ang mga ito.
Samantala, ito na ang ikalawang pagkakataon na may nahulin dahil sa sabong ditto sa lalawigan nagyong 2022.