Ipapa-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na puganteng wanted sa People’s Republic of China (PROC).

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga suspek ay sina Liang Yang, Shi Chun Tan, Cai Rong Li at Li Shao Bai na naaresto sa Pasay at Taguig.

Ayon kay BI acting port operations division chief Grifton Medina si Liang ay wanted sa kasong forgery sa kanilang bansa.

Ang tatlo namang suspek ay wanted sa kasong kidnapping at obstruction of justice.

Lumalabas na kanselado na ang mga pasaporte ng mga banyaga sa kanilang bansa at kapag na-deport ang mga ito ay iba-blacklist at pagbabawalan na ring makapasok ng Pilipinas.