CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli sa akto ang apat na bilanggo na bumabatak ng pinaniniwalaang shabu sa loob ng Misamis Oriental Provincial Jail (MOPJ) sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Velez, 28; Johary Aliakbar, 24; Archie Yamson, 28; at Jeffrey Paday, 36.

Sinabi ni MOPJ Assistant Jail Warden Maricris Mulat, nagsasagawa umano sila ng random inspection nang mahuli sa akto ang nasabing mga inmates na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Naniniwala si Mulat na isinalin ang umano’y shabu sa pagkain na ipinapadala ng mga kamag-anak kaya’t nakapasok ito sa loob ng kulungan.