-- Advertisements --

abucg

Apat na barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nakibahagi sa gagawing Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) sa karagatan ng Makassar, Indonesia na magsisimula sa May 22 hanggang May 29,2022.

Kabilang sa kalahok ng barko ng PCG ay ang kanilang pinakamalaki, moderno at bagong barko ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701).

Kasalukuyang bumibiyahe na ang apat na barko ng PCG patungong Indonesia.

Ayon kay PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu, ito ang kauna-unahang deployment mission ng BRP Teresa Magbanua matapos ma commission sa serbisyo nuong May 6, 2022.

Sinabi ni Abu na malaking bagay para sa mga tauhan Coast Guard na makiisa sa mga ganitong joint exercise lalo na sa kanilang mga coast guard counterpart dahil magkakaroon ng exchanges ng kaalaman, technical expertise at interoperability na magagamit nila sa hinaharap lalo na ang oil spill responce and management capability.

Makikiisa din sa MARPOLEX 2002 ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Malapascua (MRRV-4403), at BRP Cape Engaño (MRRV-4411).

Kasama sa nasabing joint exercises ang Directorate of Sea Transportation (DGST) ng Republic of Indonesia, Japan Coast Guard (JCG), at PCG.

Layon nito na palakasin pa ang firefighting capability, rescue, at oil spill recovery operations.

Si CG Vice Admiral Rolando Lizor PUnzalan ang siyang mamumuno sa Philippine contingent.

Siniguro naman ni Admiral Abu na nakahanda ang PCG sa anumang mga eventualities, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa para masiguro ang pangangalaga sa ating karagatan.

Samantala, kinumpirma ngayon ng PCG na tumataas na ang bilang mga Pilipinong mangingisda ang nagtutungo ngayon sa may bahagi ng PAGASA Island sa West Phil. Sea.

Batay sa ulat ng PCG nasa nasa 25 Filipino fishing boats ang nagsasagawa ng fishing activities sa vicinity ng isla.

Bukod sa inalam ng PCG ang kalagayan ng mga ito, binigyan din nila ng relief supplies ang mga mangingisda.

Naniniwala si Abu na dahil sa pinalakas na presensiya ng PCG sa nasabing lugar dahilan na tumaas ang kumpiyansa ng mga Pinoy fishermen na mangisda sa naturang lugar.