Nasa apat katao na ang nasawi dahil sa pag-ulan ng makapal na yelo sa East Coast ng Estados Unidos.

Nakaranas naman ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente ang mga residente ng Virginia at estado ng New York.

Ilang daang sasakyan din ang nagkarambola dahil sa madulas na kalsada mula sa pag-ulan ng makapal na yelo.

Aabot naman sa apat na talampakang yelo naman ang naranasan sa ilang bahagi ng east coast at halos 50 pulgada na yelo sa Newark Valley, New York at Binghamton.

Inanunsiyo ni New York Governor Andrew Cuomo ang state of emergency sa 18 bayan na kaniyang nasasakupan.

Itinuturing kasi nito na ito na ang pinakamatinding pag-ulan ng yelo noong nakaraang tatlong taon.