-- Advertisements --
Patay ang apat na indibidwal kabilang ang isang Barangay Chairman matapos pagbabarilin sa Sitio Bakud, Barangay Banah, bayan ng Tipo-Tipo, Probinsiya ng Basilan.
Kinilala ni Basilan Congressman Mujiv Hataman, ang isa sa mga nasawi na si Bin Saudi Sarakil, chairman ng Barangay Matata, bayan ng Ungkaya Pukan.
Nakilala din ang tatlo pang iba na nasawi na sina Usop Abdul Majid, Kain Manisan at Ibrahim Abdulkarim.
Napag-alaman, sakay sa isang sasakyan ang mga biktima ng bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pananambang at para matuloy ang pagkakakilanlan ng mga suspeks.