-- Advertisements --
Patay ang apat na katao matapos na sila ay pagbabarilin sa West Bank, Israeli.
Bukod pa sa mga nasawi ay mayroong apat na iba pa ang sugatan kung saan dinala na ang mga ito sa pagamutan.
Pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na huwag munang lumabas sa kanilang mga kabahayan.
Base sa Israel Defense Force (IDF) na biglang pinaputukan ng mga armadong suspek ang residente kung saan isa sa mga suspek ang napatay ng mga kapulisan.