-- Advertisements --
bryce canyon 2
A tour bus crash near Bryce Canyon National Park leaves at least 4 dead and 15 injured.

Nananawagan ang otoridad sa mga sibilyan na makipagtulungan sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa aksidente na kinasangkutan ng isang tour bus sa Utah.

Apat ang patay habang 15 naman ang nagtamo ng mga sugat matapos bumangga ang sinasakyang tour bus sa isang guard rail sa Bryce Canyon National Park.

Base sa imbestigasyon, bandang 11:30 am nangyari ang aksidente sa naturang highway na may layong 7 miles mula sa entrance ng nasabing park.

Sa inilabas na mga larawan ng Garfield County Sheriff’s Office, makikita na nadurog ang bubong ng bus habang napipi naman ang isang bahai nito.

Ayon kay Garfield County Sheriff’s Department spokeswoman Denise Dastrup, 30 pasahero ang nagtamo ng sugat kung saan 7s sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon.

Dagdag pa nito, halos lahat umano ng turista na sakay ng bus ay “Chinese-speaking.”

Dinala naman ang mga biktima sa tatlong magkakaibang ospital upang suriin.

Ang Bryce Canyon ay tanyag dahil sa malalaki nitong irre4gular column of rock na kung tawagin ay “hoodoos.”

Naitala rin na halos 2 milyong turista ang bumibisita rito kada taon.