Arestado ang apat na opisyal ng barangay sa Manila dahil sa pambubulsa ng pinansiyal na tulong na dapat para sa mga benepisyaryo na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Sa report ng Manila Police District (MPD), inaresto ang apat na opisyal ng Barangay 608 dahil sa paglabag sa Article 217 (PRPC) Malversation of Public Funds (Social Amelioration Program Funds) at Article 172 Falsification of Public Documents.
Nagreklamo kasi ang dalawang biktima na sina Jerson Ceniza at Renerio Salabo laban sa apat na opisyal ng barangay dahil hindi nila natanggap ang kanilang ayuda at mayruong ibang indibidwal ang kumuha ng kanilang ayuda.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, ang dating executive officer na si Isagani Darilay at dating tanod na si John Mark Naguera ang kumubra ng P4,000.000 each Ayuda na ginamitan nila ng mga pekeng ID.
Arestado sa nasabing krimen ang mismong Punong Barangay na si Mario Simbulan at Kagawad Ma. Christina Zara.
Ayon naman kay Police Lieutenant Rosalind Ibay Jr., hepe ng Special Mayor’s Reaction Team Manila, na inamin ng apat ang nagawa nilang krimen.
Sinabi ni Ibay modus ng mga ito na gagamitin nila ang isang indibidwal, papalitan nila ang lalarwan pero kaparehong pangalan ng recipients hanggang sa magpanggap na sila ang benepisyaryo ng SAP.
Nakuha sa mga suspeks ang dalawang pekeng IDs at master list ng SAP beneficiaries.
Ayon naman sa mga complainant, masakit para sa kanila dahil lumapit sila sa mga nasabing opisyal para humingi ng tulong yun pala ninakaw nila ang ayuda na para sa kanila.