-- Advertisements --

npa

Boluntaryong sumuko sa militar sa Zamboanga del Norte ang apat na miyembro ng Communist NPA Terrorists sa mga operating units ng Philippine Army 102nd Infantry Brigade.


Ayon kay 102nd Infantry Brigade Cammander Brig. Gen. Leonel Nicolas sumuko sa magkakahiwalay na panahon ang apat na mga rebelde sa mga tropa ng Philippine Army 97th Infantry Battalion, 44th Infantry Battalion at 42nd Infantry Battalion.

npa1

Kinilala ni Nicolas ang mga sumukong NPA na sina alias MARKY – Squad Leader, alias AIAI – Medic, alias JURY – Medic, at alias JERWIN – Supply, lahat ay miyembro ng HQ KALAW, Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).

Ang nasabing rebelde ang nakasagupa ng militar kamakailan lamang.

Ayon kay alias JERWIN, nagdesisyon siyang sumuko dahil sa ginawang pag rescue ng militar sa sugatan nilang kasamahan na si alias JekJek at agad pinagamot sa hospital.

npa2

Aniya, agad siya humingi ng tulong sa kapwa Subanen para makipag-ugnayan sa Army para siya ay sumuko dahil pagod at gutom na rin ang kaniyang nararanasan.

Ayon kay 97th IB Commanding Officer, Lt. Col. Manaros Boransing, naghiwa-hiwalay sa maliit na grupo ang mga rebelde para makatakas at sumuko sa militar.

Dagdag pa ni Boransing ang mga sumukong NPA rebels ay mga high value targets na may significant positions sa kanilang unit.

npa3

Naniniwala naman si Lt. Col. Don Templonuevo, Commanding Officer, 44th IB, na malaking tulong sa operasyon ng militar ang pagsuko ng apat na rebelde.

“I commend the quick response of the different units on the ground for assisting these former rebels to return to the folds of law and eventually, their return later to their respective families who have been anxiously waiting for several years,” wika ni Brig. Gen. Nicolas.

Samantala, tiniyak naman ni Ist Infantry Division Commander, Maj. Gen. Gene Ponio, Commander, na mabibigyan ng ayuda ang mga sumukong rebelde.

Hinimok din ni Ponio ang ibat-ibang stakeholders sa pamamagitan ng Local Task Force to End Local Communist Armed Conflict para ipagpatuloy ang nasabing initiatives sa kabila ng nararanasang COVID-19 crisis.

Ayon kay Ponio hindi dapat nawawala sa pokus ang militar lalo na sa kampanya laban sa terorismo at insurgency lahit nasa Covid-19 pandemic.

“We are now nearing our goal and we need the full cooperation and active participation of all stakeholders including the local populace to attain lasting peace and promote development in the region,” pahayag ni MGen. Ponio added.