-- Advertisements --

NAGA CITY- Muling nakapagtala ng karagdagang apat na kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH)- Bicol, napag-alaman na si Bicol#119 at Bicol#120 ang unang dalawang kaso ng naturang sakit sa lungsod ng Iriga.

Ayon dito isang 8-anyos na babae si Bicol#119 habang isa namang 30-anyos na babae si Bicol#120 kung saan nabatid na dumating ang mga ito mula sa Cebu City noong Hunyo 13, 2020.

Samantala si Bicol#121 at Bicol#122 ay mula naman sa bayan ng Balatan, Camarines Sur.

Si Bicol#121 ay isang 35-anyos na lalaki habang si Bicol#122 naman ay isang 14-anyos na lalaki kung saan dumating mula sa Quiapo, Maynila noong Hunyo 25, 2020 at napag-alaman din close contact ni patient Bicol#95.

Sa ngayon, nananatili na ang naturang mga pasyente sa LGU quarantine facility.

Sa kabilang dako, umabot na sa kabuuang bilang na 122 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 38 ang active cases.