Itinakda sa Enero 23 ang pagbitay sa apat na suspek na gumahasa sa 23-anyos na estudyante sa India.

Ang mga suspek na sina Akshay Thakur, Vinay Sharma, Pawan Gupta at Mukesh Singh ay nahatulang ng parusang kamatayan noong 2012 dahil sa ginawa nilang pag-gang-rape sa estudyante sa New Delhi, India.

Namatay ang bikitma matapos ang 13 araw matapos na ito ay gahasain ng ito ay pagbubugbugin sa loob ng bus.

Ikinatuwa naman ng ina ng biktima ang nasabing hatol ng korte kung saan sinabi nito na tila nakamit na nila ang hustisya.