-- Advertisements --


loops: OCTA Dr Guido David, COVID-19

Nakaranas ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ang nasa 4 na probinsiya sa basa ayon sa OCTA research Group.

Kabilang dito ang Tarlac, Negros Occidental, Palawan, at Agusan del Norte.

Subalit ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa naturang mga probinsiya ay nananatiling nasa low-risk at hindi consistent .

Inulat ni Dr David na ang naitala kahapon katulad na lamang sa Tarlac ay nasa 12 kaso na pangatlo sa may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa Negros Occidental naman ay nakitaan ng bahagyang pagtaas ng kaso at medyo consistent gayundin sa Palawan at Agusan del Norte noong nakalipas na linggo subalit bahagya na umanong bumaba ang biang ng mga kaso sa kasalukuyan.

Ayon kay Dr. David nakikitaan ng posibleng pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila at sa karatig pang probinsiya gaya ng Calabarzon at central Luzon.

Kung saan ang reproduction number at positivity rate sa NCR ay tumaas sa nakalipas na linggo.

Bagamat nananatili ito ngayon sa low risk ng COVID 19. Top