Pasok na sa Round of 16 ang apat na Filipino billiard players sa 2021 US Open Pool Championship.

Kinabibilangan ito nina Dennis Orcollo, Johann Chua, Carlo Biado at Rodrigo Geronimo.

Nananatiling walang talo si Orcollo kung saan tinalo niya si Oliver Szolnoki para makakuha ng slot.

Tinalo naman ni Chua si Miezko Fortunski ng Poland sa score na 11-7.

Susunod na makakaharap ni Orcollo si Mario He ng Austria habang si Chua ay si John Mora ng Canada.

-- Advertisement --

Nasa losers bracket naman sina Biado at Geronimo.

Nakaharap ni Biado ang kapwa Pinoy na si Jeff De Luna at tinalo rin si Jayson Shaw ng Scotland.

Habang si Geronimo ay natalo kay Max Lecher ng Austria at nakabagwi kay Neils Feijen ng the Netherlands.

Makakaharap ni Biado si David Alcaide Bermudez ng Spain habang si Geronimo ay makakaharap si Denis Grabe ng Estonia.

Magugunitang nagwagi si Efren ‘Bata’ Reyes sa US Open noong 1994 ng talunin si Nick Varner.