-- Advertisements --

May apat na kumpanya na ang Department of Transportation na maaaring manguna sa pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary Leonel De Velez, na ang mga apat na kumpanya ay nanguna sa pagsumite ng kakayahan sa nasabing rehabilitation projects.

Nagbigay din ng proposal ang anim na Philippine conglomerat at US-based partner ng Manila International Airport Consortiom na magrehabilitate sa NAIA sa ilalim ng 25-taon na kontrata.

Target ng DOTr na maibigay ang P170.6-bilyon na kontrata ngayong taon para maayos ang pangunahing paliparan ng bansa.