-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Apat na tao ang inaresto sa timbog sa isinagawang anti illegal gambling operation ng mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station sa Barangay Bliss Village, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan , naaktuhang nagsusugal ang mga suspek na may edad 22 hanggang 36 anyos na pawang mga residente ng Purok 7 sa nabanggit na barangay .

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis may kaugnayan sa nagaganap na pagsusugal sa nasabing lugar na agad naman nilang tinugunan na nagresulta upang madakip ang apat na suspek.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang set ng baraha, mahigit isang libong pisong cash , tatlong monoblock chair at isang lamesa.

Paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti Illegal Gambling Law) ang kinakaharap na kaso ng mga suspek.