-- Advertisements --
Binitay na ng Iran ang apat na kalalakihan na inakusahang nagtatrabaho bilang intelligence service ng Israel.
Ang hatol na “intelligence cooperation” sa Israel at “Kidnapping” ay isinagawa bago ang pagbitay.
Hinatulan naman ang tatlong kasama ng grupo ng lima hanggang 10 taon na pagkakakulong dahil sa possession ng armas, paglabag sa seguridad ng bansa at complicity.
Isinagawa ang bitay matapos ang matinding tensiyon sa Iran dahil sa malawakang kilos protesta.
Ayon sa Amnesty International na nangunguna ang Iran sa dami ng mga binibitay nila na sumusunod ang China.