-- Advertisements --
Binitay ng Myanmar military ang apat na democracy activist.
Kabilang dito ang akitbistang si Ko Jimmy at mambabatas na si Phyo Zeya Thaw na inakusahan ng pagpapakalat ng terorismo.
Ito ang unang pagpatupad ng capital punishment ng Myanmar matapos ang ilang dekada.
Labis naman na ikinalungkot ni pro-democracy leader Aung San Suu Kyi ng mapakinggan ang balita.
Nagtipon-tipon na naman mga kaanak ng mga binitay sa harap ng Insein prison at iprinotesta ang nasabing hatol.