-- Advertisements --
image 408

Posibleng maging operational na ngayong taon ang apat na bagong sites sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador To the US Jose Manuel Romualdez.

Aniya, posibleng sa loob ng sunod na anim na buwan nasa isa o dalawa sa EDCA sites ay magiging handa na habang ang dalawang iba pang bagong EDCA sites ay susunod na magiging operational.

Sa ngayon, hindi pa aniya nagpapahayag ng intensiyon ang Amerika para magdagdag ng sites sa ilalim ng EDCA maliban sa apat na bagong sites at limang nauna na.

Ang karagdagang apat na EDCA sites ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela at Balabac Island sa Palawan