-- Advertisements --

Matagumpay na nakalapag sa International Space Station (ISS) ang apat na astronaut na lulan ng SpaceX Crew Dragon.

Ang mga astronaut ay kinabibilangan nina Jasmin Moghbeli, ang mission commander; Danish astronaut Andreas Mogensen ng European Space Agency; Satoshi Furukawa ng Japan Aerospace Exploration Agency, or JAXA; ay Russian cosmonaut Konstantin Borisov ng Roscosmos.

Ang apat na crew ng SpaceX Falcon 9 rockets ay inilunsad sa Kennedy Space Center sa Florida.

Makakasama nila ang pitong astronaut na nasa orbiting laboratory na nandoon na mula pa noong Marso.

Ang SpaceX Crew-6 astronauts kasi ay babalik na sa mundo lulan ng Crew Dragon Endeavor sa mga susunod na araw.

Ito na ang pang-walong flight na inooperate ng NASA at SpaceX bilang bahagi ng commercial crew program.

Nagsimula kasi ang unang crewed mission ng SpaceX noong 2020.