Magbibigay ang European Maritime Safety Agency (EMSA) ng 4 million euro sa gobyerno ng Pilipinas bilang tulong sa edukasyon at pagsasanay ng mga Pilipinong marino.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang mga opisyal mula sa maritime sector ng bansa ay nakatakdang makipagkita sa executives ng EMSA sa Belgium sa susunod na buwan upang talakayin kung paano gagamitin ang nasabing tulong pinansiyal para makasunod sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).
Una na ring inanunsiyo ng European Commission noong buwan ng Marso na ipagpapatuloy ang pagkilala sa certificates na inisyu ng gobyerno ng Pilipinas sa mga Pilipinong seaferers.
Ito ay matapos na sabihin noon ng EMSA na hindi pasok sa guidelines na ipinapatupad ng international maritime safety standards ang pagsanay at certification ng Pilipinas sa maritime institution.
Base naman sa data mula Enero hanggang Marso 2023, nasa 149,126 na Filipino seaferer ang nadeploy sa ibang bansa.