-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Nasa mabuti nang kalagayan ang apat na mangingisda matapos na makaligtas nang tumaob ang bangka na kanilang sinasakyan sa karagatang sakop ng Barangay Pook, Kalibo, Aklan.
Ayon kay Barangay Kagawad Nelson Dela Cruz, may-ari ng tumaob na bangka, sakay ng sasakyang pandagat ang magkakamag-anak na mangingisdang sina Elmo, Renato, Ipoy at Ipoy Pilapil Jr.
Paparating na sa pantalan ang bangkang sinasakyan ng mga ito nang hampasin ng malaking alon at malakas na hangin kaya tumaob ang kanilang sakayang pandagat.
Isang linggong nasa laot ang apat ngunit dahil sa masamang panahon ay napagpasyahan ng mga ito na umuwi na lamang para sa kanilang kaligtasan.










