-- Advertisements --

ILOILO CITY- Pinayagan nang magsagawa ng limited face-to-face classes ang apat na mga unibersidad at kolehiyo sa Lungsod ng Iloilo matapos naka-comply ang mga ito sa guidelines ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Department of Health (DOH).

Base sa statement na inilabas ni CHED Chairman Prospero De Vera III, papayagan ang 3rd at 4th year students para sa hands-on training
at laboratory classes sa limited face-to-face system epektibo sa ikalawang semester ng academic year 2020-2021.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Arnold Anceno, spokesperson ng CHED Region VI, sinabi nito na naibigay na ang certification o go-signal o approval noong Marso 10 sa apat na higher education institutions na kinabibilangan ng:

  • West Visayas State University – Doctor of Medicine Program;
  • Central Philippine University – Doctor of Medicine Program;
  • Iloilo Doctors’ College of Medicine and Iloilo Doctors’ College for the programs of Nursing, Medical Technology, Physical Therapy, and
    Midwifery; at
  • University of Iloilo – Bachelor of Science in Nursing Program