-- Advertisements --
Nakahanda na ang 4 milyon na plastic driver’s license cards para sa susunod na taon.
Sinabi ni Land Tranportation Office (LTO) chief at Assistant Secretary Vigor Mendoza na inihahanda na nila ang nasabing mga plastic cards na ipapamahagi sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ang nasabing bilang aniya ay sapat na matugunan ang kasalukuyang backlog ng mga plastic cards drivers license.
Kada taon aniya ay nasa halos pitong milyon na mga bagong lisensiya ang na-iisyu ng LTO.
Inaayos na rin aniya ng LTO ang reklamo na mabagal na pagpapalabas umano ng mga license plate sa mga bagong sasakyan.