ILOILO CITY – Kulong ang 53-anyos na lalaki at tatlong iba pa matapos ireklamo ng panghihipo kasabay ng selebrasyon ng Dinagyang Festival 2020.

Ang arestado ay kinilalang si alyas Andrebon ng Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Andrebon, sinabi nito na hindi totoo ang reklamo laban sa kanya.

Ayon kay Andrebon, bumili ng prutas ang babae at aksidente umano nitong nahawakan ang puwet ng biktima.

Sa kabila nito, pinabulaanan ni Andrebon na hinawakan niya pati ang dibdib ng babae.

Inihayag ng arestado na bigla siyang pinagsusuntok ng dalawang lalaki na kasama ng umano ng nagreklamong biktima.

Maliban sa suspek, may tatlo pang lalaki na inireklamo din ng panghihipo.