-- Advertisements --

Sugatan ang apat na katao matapos na sila ay atakihin ng dolphin sa central Japan.

Isa sa biktima na may edad 60 ay nagtamo ng pilay sa kaniyang ribs at sugat sa kaniyang kamay matapos na kagatin ito sa Suishohama beach sa Mihama, Fukui prefecture.

Habang ang isang biktima na nasa edad 40 ay nagtamo rin ng kagat sa katawan.

Ngayong taon ay mayroon ng anim na katao ang nasugatan matapos na sila ay kagatan ng dolphin.

Naglagay na ang mga otoridad ng warning signs sa lugar para maiwasan na sila ay makagat.

Malaki ang paniniwala ng mga eksperto na maaring naistorbo ang mga dolphins at sila ay na-stress kaya ginawa nia ang nasabing pangangagat.