-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroong apat na katao ang nasawi dahil sa severe dehydration dulot ng diarrhea doon sa isang barangay sa General Nakar sa Quezon province.

Kabilang ang mga nasawi sa Dumagat tribe kung saan nakikitang posibleng dahilan ng outbreak doon ay dahil sa kontaminasyon ng iniinom na tubig mula sa isang balon.

Nakapagtala ng nasa kabuuang 33 kaso ng diarrhea sa lugar ayon sa Regional Health Unit ng General Nakar.

Nasa 23 dito ay nakarebor na , nasa 2 pa ang kasalukuyang naka-confine pa sa ospital at walo ang nagpapagaling pa sa kanilang mga bahay.

May daalwang kaso pa ng pagkamatay sa lugar subalit iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ito nga ay dahil din sa diarrhea.

Sa kabilang banda naman, ayon sa lokal na pamahalaan na under control na ang sitwasyon sa kanialng nsasakupan. Naglagay na rin ng mga palikuran na may toilets sa lugar at itinuro kung paano maiiwasan ang dehydration.

Nagsasagawa na rin ng surveillance ang Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ng DOH-Calabarzon hinggil sa outbreak sa lugar.

Top