-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nailigtas ng mga kasapi ng Rescue 1124 ang apat katao matapos na tumaob ang bangkang sinakyan sa ilog sa may bahagi ng Barangay Lullutan, Ilagan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Disaster Risk Reduction Management Officer Butch Estavillo na mula sa Barangay Calamgui 2nd ang tinugunan ng mga kasapi ng rescue team.

Tinangka umano nilang tumawid sa ilog gamit ang kanilang bangka upang mailipat ang kanilang mga alagang hayop na nasa kabilang bahagi ng ilog.

Ngunit dahil sa malakas na agos ng tubig at mataas na lebel nito ay tumaob ang kanilang sinasakyang bangka dahilan upang maanod ang tatlo habang sumabit sa isang poste ng tulay sa ang isa sa apat na tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Agad na tumugon at nagsagawa ng operasyon ang mga kasapi ng City DRRMO Rescue 1124 at nagawang nasagip ang apat na kalalakihan na nasa maayos ng kalagayan.