-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakakulong na ang apat katao kasama ang isang ginang matapos na isilbi ang mandamiyento de aresto sa kasong iligal na pagsusugal sa barangay Naguilian Norte, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station sa pangunguna ni PExecutive Master Sargeant Carlos Rey Garcia ay dinakip ang tatlong lalaking suspek at isang ginang sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Jeffrey Cabasal ng MTCC 2nd Judicial Region City of Ilagan.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti Illegal Gambling Law).

Makakalaya lamang ang mga suspek kapag nagpiyansa ng P10,000 bawat isa.

Nasa pangangalaga ng City of Ilagan Police Station ang mga akusado para sa dukumentasyon bago ipasakamay sa Court of Origin.