-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mahaharap sa kasong illegal gambling ang apat katao na naaktuhang nagsusugal sa barangay Cabaruan, Cauayan City

Ang mga naarestong suspect ay kinabibilangan ng 3 babae at isang lalake na pawang nasa tamang edad at residente ng naturang barangay.

Unang nakatanggap ng impormasyon ng himpilan ng Cauayan City Police Station may kaugnayan sa nagaganap na pagsusugal sa naturang barangay.

Dahil dito ay agad na nagtungo ang mga kasapi ng Cauayan City police Station sa lugar kung saan naaktuhan ang apat na nagsusugal .

Nasamsam sa operasyon ang bet money at barahang ginamit sa pagsusugal.

Ang mga nadakip ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon.