CAGAYAN DE CITY – Pinaghahanap na ng Cugman Police Station ang mga suspek na umano’y sumaksak sa apat na kalalakihan sa bahagi ng Malasag Hills, kagabi.

Inihayag ni Cugman Brgy. Kapitan Wendolyn Escobia sa Bombo Radyo Cagayan de Oro na dalawa sa apat na biktima pa lang ang nakikilala.

-- Advertisement --

Mabilis na dinala sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) ang mga biktima matapos ang insidente.

Inamin ni Kapitan Escobia na nagkaroon ng bahagyang kaguluhan subalit kaagad itong na neutralize ng mga otoridad.

Kabilang sa mga nakilalang biktima ay ang magkaklase na sina Jetter Jumaday at Bradley James Taganahan.

Una rito, naniniwala ang mga otoridad na panggugulo lang ang motibo ng krimen.

Bagamat ligtas na mula sa matinding pagkakasugat ang mga biktima ay nananatili pa rin ito sa pagamutan.