Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Arestado ang apat na kataong naaktuhang nagsusugal sa isang billiard hall sa Gusaran, Camp 6, Tuba, Benguet.

Nakilala ang mga ito na sina Jimly Pago, 28-anyos; Alex Tao-ey, 30-anyos; Jerry Liclic, 56-anyos; at Clifford Dasing, 35-anyos na kapwa residente ng Tuba, Benguet.

Nahuli ang ito sa pamamagitan ng anti-illegal gambling operations na isinagawa ng Tuba Municipal Police Station at ng Benguet Police Provincial Office.

Nakumpiska sa kanila ang P380 na taya at iba’t-ibang mahjong paraphernalia.

Nakasuhan na ang mga ito ng paglabag sa anti-illegal gambling act.