Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang apat na umano’y suspeks sa pagpuslit ng mga matataas na kalibre ng armas na nasabat ng PNP sa Allen, Samar mula Taguig City dito sa Metro Manila at patungo sana ang mga ito sa Maguindanao.
Ayon kay Police Regional Police 8 regional director, BGen. Rolando De Jesus, isinailalim na sa inquest proceedings ang apat na umano’y gun runner na nakilalang sina Roger Daud Baguindali, Daud Kumang Ludungan, Wahid Ismael Yusop at Abdul Gapur.
Sinabi ni De Jesus, ongoing pa rin ang imbestigasyon ng PNP sa Northern, Samar para matukoy ang source ng mga nakumpiskang mga samut saring high powered firearms.
Dagdag pa ng Heneral na hindi pa na establish ng PNP kung anong grupo o organisasyon ang kinabibilangan ng apat na suspeks.
Nasabat sa posisyon ng mga suspeks ang 30 units ng M16 rifles with magazines at ammunition at tatlong short firearms.
Inatasan naman ni De Jesus ang mga kapulisan sa region 8 na maging mahigpit sa mga checkpoints para matiyak na walang makakalusot na mga kontrabando.