Sisimulan na ng Supreme Court (SC) ang 4-day workweek simula sa Disyembre 1 dahil na rin sa patuloy na banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pero kailangang magtrabaho ng mga empleyado ng SC ng 10 oras araw-araw mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon sa loob ng apat na araw.
Katumbas ito ng 40 oras sa isang linggo base na rin sa administrative circular na inisyu ni Chief Justice Diosdado Peralta.
Ang mga justices ang magdedesisyon sa operations schedule ng kani-kanilang mga opisina pero ang lahat ng mga high court offices at services ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes na mayroong 80 percent personnel attendance.
Ang mga empleyado naman ng court offices ay mahahati sa tig-limang grupo na mayroon 20 percent na papasok sa total number ng mga empleyado.
Kada grupo ay mayroong isang araw na day off sa isang linggo at ang mga groupings ay mapapalitan depende na lamang sa mga ilalabas na notice para sa mga employees.
Ang overtime services at flexible time schedule sa lahat ng opisina ay suspendido rin maliban na lamang sa mga justices.except that of the justices are suspended.
Samantala, ang Court of Appeals (CA), Sandiganbayan, Court of Tax Appeals (CTA) at mga lower courts ay pinaghahanda na rin ng kanilang guidelines para sa 4-day workweek.