-- Advertisements --

Apat na pangalan ngayon ang nakalutang para pumalit kay Luis Antonio Tagle na mamumuno ng Archdiocese of Manila.

Ilan sa mga dito ay sina Caloocan Bishop Pablo David, Lingayen- Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Lipa city Archbishop Gilbert Garcera at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.

Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, na tanging si Pope Francis ang magdedesisyon sa papalit kay Tagle.

Magugunitang itinalaga ng Santo Papa ang 62-anyos na si Tagle noong Disyembre bilang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Nakatakda ng umalis patungong Vatican si Tagle sa susunod na Linggo.