ILOILO CITY – Patay ang apat na taong gulang na bata matapos ma-trap sa nasunog na boarding house sa Barangay Rizal, Lapuz Sur, Iloilo City.

Ang biktima ay kinilang si Daniel John Peralta.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire C/Insp. Christopher Regencia, City Fire Marshall, sinabi nito na nabitawan ng ama na si Benedict Peralta ang kanyang anak matapos pilit itong pumasok sa kanilang bahay.

Ayon kay Regencia, nais ng bata na iligtas sa nagliliyab nilang bahay ang kanyang alagang aso ngunit hindi na ito nakalabas pa ng buhay.

Umaabot naman sa apat na pamilya ang nasunugan.

Sa ngayon inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang dahilan at halaga ng mga nasunog na ari-arian.