Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroong matatanggap ang Pilipinas na karagdagang 1,000 vials ng antiviral drugs na remdesivir para sa umaarangkadang solidarity tirals ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ni DOH Undersecretary Maira Rosario Vergeire na ito na umano ang ikatlong shipment ng gamot mula sa WHO.
Padating na aniya ang shipment ng remdesivir at interferon.
Sa ginagawang solidarity trials ng international body, ang lahat ng participating countries ay pagkukumparahin ang pagiging epektibo ng ilang gamot bilang panlaban sa coronavirus disease.
Dagdag pa ni Vergeire, nasa 1,009 moderate to severe COVID-19 patients na ang naka-enroll sa naturang trial as of September 7.
Ang mga ito ay mula sa 24 study sites o ospital sa National Capital Region (NCR), Cebu, Davao, Batangas at Baguio.