-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulomg Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ang ikatlong cabinet meeting nito na gagawin sa Malacanang.

Maagang nagsimula ang pulong upang mabigyan ng oras ang mas maraming paksa.

Nabatid na dalawang kalihim ang mag-uulat ng lagay ng kanilang kagawaran sa Pangulo, para mailahad ang mga plano at kasalukuyang ginagawa ng kani-kanilang tanggapan.

Sumentro sa usapin ng ekonomiya at agrikultura ang unang cabinet meeting noong July 6, 2022, habang natalakay naman sa ikalawang cabinet meeting noong isang linggo ang tungkol sa “build, build, build” habang nag-ulat naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Budget and Management (DBM) ng kanilang mga ginagawang hakbang sa nasabing mga departamento.

Pinangasiwaan naman ni Pangulong Marcos ang 2nd cabinet meeting sa pamamagitan teleconferencing habang siya ay naka-isolate matapos magpositibo sa COVID-19.

Samantala, pangungunahan din mamayang hapon ni punong ehekutibo ang gagawing panunumpa ng itinalaga nitong kalihim sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Ma. Antonia Yulo-Loyzaga.