TACLOBAN CITY – Aabot sa tatlong indibidwal ang na-rescue mula sa lumubog na sasakyan pandagat sa Barangay Cabadjangan, Laoang, Northern Samar

Ayon kay Joey Bea Acebron, MDRRM officer ng Laoang Northern Samar, ang mga na-rescue na mga residente ay mga local businessman na magde-deliver sana ng mga gulay.

Sinabi pa ni Acebron, habang nagbabiyahe ang mga ito ay sinalubong sila ng malalakas na alon dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Auring.

Napag-alaman na pawang magpipinsan lamang ang tatlong mga nailigtas.

Tiniyak naman ni Acebron na kaagad na silang nagpadala ng tulong at rescue operation matapos na makatanggap ng report.

-- Advertisement --

Muli naman itong nagpaalala sa mga papalaot o sa mga mananagat na iwasan lang munang pumalaot dahil sa sama ng panahon.