-- Advertisements --

Nasa 39 katao ang nasawi sa naganap na sunog sa isang migration center sa Ciuidad Juarez sa Mexico.

Nangyari ang sunog sa National Migrant Institute (INM) office matapos silang mag-pick up ng grupo ng migrants na pakalat-kalat sa kalsada.

Bukod sa mga nasawi ay mayroong 29 katao pa ang nasugatan na itinakbo na sa pagamutan.

Hindi pa naglabas ang mga otoridad ng pagkakakilanlan ng mga biktima at ang kanilang mga nationalidad.

Habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring sunog.