Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang bilang na 385 na bagong kaso ng COVID-19.
Ang aktibong tally sa buong bansa ay umakyat na sa bilang na 9,533.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng anim na araw na umabot sa mahigit 300 kaso ang mga bagong impeksyon sa virus.
Batay sa pinakahuling numero ng DOH, ang mga bagong kaso ay nagdala ng nationwide caseload sa 4,084,626.
Dagdag dito, ang bilang naman ng mga aktibong impeksyon ay umakyat sa 9,533 mula sa 9,354.
Ang pinakamataas na bilang ng mga impeksyon sa nakalipas na 14 na araw ay nakita sa National Capital Region na may 1,193 na impeksyon, sinundan ng Davao Region na may 415, Calabarzon na may 380, Northern Mindanao na may 269, at BARMM na may 207.
Una rito, binigyang diin ng DOH na ang karagdagang 190 na recoveries ay nagtulak sa recovery tally sa 4,008,660 habang ang death toll ay tumaas din sa 66,433 na may dalawa pang bagong nasawi.