-- Advertisements --
Nakakumpiska ng 501 kilos ng crystal methamphetamine o kilala bilang shabu ang Customs and Excise Department ng Hong Kong.
Ang nasabing kontrabando na patungo sana sa Australia ay nagkakahalaga ng mahigit $38 million.
Nakatago ang nasabing kargamento sa lalagyan ng semento na siyang itinuturing na pinakamalaking droga na kanilang nakumpiska.
Sinasabing galing sa Mexico ang nasabing droga at ito ay dumaan sa South Korea at Vietnam bago dumating sa Hong Kong at patungo sa Australia.
Sinabi ni Benson Lee angn namumuno sa Ports and Maritime Command, agad silang nanghinala sa nakita nila sa x-ray kaya kanila na nila itong sinita at tumambad ang nasabing droga.